Varayti ng Wika
ISANG PANAYAM UPANG MALAMAN ANG REHISTRO NG WIKA NG ISANG PROPESYON Larawan mula sa panayam kay Binibining Lorilyn Reyes ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG AMING MGA GINAMIT NA KATANUNGAN. Ika-1. Ano-ano po ang mga ginawa niyong paghahanda para sa Online Distance Learning? – Ang mga ginawa namin para sa Online Distance Learning ay ang pag-attend sa mga seminars at workshops kung saan inaaral namin kung papaano ang pagtuturo sa Online Distance Learning. Ika-2. Paano niyo po naipapaintindi ang mga aralin sa kabila ng nakakapanibagong set-up? – Kahit ito ay nakakapanibago para sa akin at sa mga estudyante, naipapaintindi namin ito sa pamamagitan ng pag-aaral namin at paggamit ng iba’t-ibang mga applications at websites para sa maayos na pagtuturo. Halimbawa nito ay ang Google docs, Google forms, Canva, at iba pa na nakatutulong sa amin para mapaganda ang pagtuturo at mas mauunawaan ng mga bata ang aming mga itinuturong aralin. Ika-3. Sa anong paraan o platform po kayo nakakapag-me...