Varayti ng Wika

ISANG PANAYAM UPANG MALAMAN ANG REHISTRO NG WIKA NG ISANG PROPESYON 

Larawan mula sa panayam kay Binibining Lorilyn Reyes

ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG AMING MGA GINAMIT NA KATANUNGAN.

Ika-1. Ano-ano po ang mga ginawa niyong paghahanda para sa Online Distance Learning?

– Ang mga ginawa namin para sa Online Distance Learning ay ang pag-attend sa mga seminars at workshops kung saan inaaral namin kung papaano ang pagtuturo sa Online Distance Learning.

Ika-2. Paano niyo po naipapaintindi ang mga aralin sa kabila ng nakakapanibagong set-up? 

– Kahit ito ay nakakapanibago para sa akin at sa mga estudyante, naipapaintindi namin ito sa pamamagitan ng pag-aaral namin at paggamit ng iba’t-ibang mga applications at websites para sa maayos na pagtuturo. Halimbawa nito ay ang Google docs, Google forms, Canva, at iba pa na nakatutulong sa amin para mapaganda ang pagtuturo at mas mauunawaan ng mga bata ang aming mga itinuturong aralin. 

Ika-3. Sa anong paraan o platform po kayo nakakapag-meeting kasama ang iba niyo pa pong kapwa guro? 

– Kalimitan ang aming meetings ay ginaganap sa Google meet o kaya sa Zoom. Sa mga announcement naman ay kalimitan sa Messenger ipinararating sa amin. 

Ika-4. Ano po ang maipapayo o maitutulong niyo kung mayroon kayong estudyante na hindi makasabay sa inyong talakayan?

– Ang maipapayo ko lang ay nandiyan ang mga teachers at advisers para ipaintindi ang mga hindi nila naiintindihan na aralin. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa aking mga estudyante, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may hindi alam o hindi maintindihan, laging bukas ang aking Messenger, kahit anong oras ay p’wede silang magchat at magrereply naman ako.

Ika-5. Paano niyo po napabubuti ang inyong pagtuturo? 
– Napabubuti ko ang aking pagtuturo sa pamamagitan ng pag-attend sa mga seminars tulad ng INSET training na aking dinaluhan noong isang linggo. Dahil sa pag-attend ng mga seminars na ito, nadaragdagan ang aming mga kaalaman kung paano mas magiging flexible ang aming pagtuturo sa panahon ngayon kung saan hindi namin nakakaharap ang mga estudyante sa isang face-to-face learning.

GLOSARI

Online Distance Learning – Isang paraan ng pag-aaral ngunit hindi dumadalo sa paaralan at walang pisikal na kontak sa guro at kamag-aral. 

Google Platforms at Canva – Ito ay mga uri ng website o application na ginagamit ng mga guro. Ito ang nagsisilbing tsanel upang maipatating ng mga anunsyo o maibigay sa mga estudyante ang kanilang mga takdang aralin. 

Face-to-face Learning – Ito naman ay kabaliktaran ng Online Distance Learning. Ito naman ay ang nakagawiang paraan ng pag-aaral kung saan ang mga estudyante at guro ay dadalo sa paaralan upang doon magturo at matuto. 

Workshops/INSET Training – Ang workshops at INSET Training o In Service Training ay isang seminar kung saan dumadalo ang mga guro upang mas mapaunlad pa ang kanilang pagtuturo sa kabila ng panibagong set-up dulot ng pandemya. 






Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Proyektong pakikipanayam sa Komunikasyon.

Epekto ng Pandemya sa Bansang Pilipinas