Posts

Showing posts from March, 2021

Epekto ng Pandemya sa Bansang Pilipinas

Image
  Malaking hamon sa aming bansa ang Covid–19 pandemic . Hindi lamang sa gobyerno kun’di pati na rin sa mga taong nasasakupan nito. Apektado rin nito ang mga mamamayang nagtatrabaho sa mga establisyimyentong napasara dahilan ng pagkalugi dahil sa pagbaba ng customer . ‘Gaya nila, apektado rin ng pandemya kaming mga estudyante pati na rin ang aming pag-aaral. Natitiyak kong maraming estudyante ang hindi makasabay  sa mga hamon ng online distance learning. Masasabi kong hindi ito matagumpay dahil matututo nga ang mga bata sa kabila ng pandemya ngunit hindi lahat ng bata ay may pribilehiyong makabili ng gadyet, makapagpakabit ng internet , o maski na magpa- load . Wala pa ang pandemya ay marami nang taong hindi kayang tustusan ang kanilang pang araw-araw na pang-kain, kaya natitiyak kong nang sumabay pa ang hamon ng online class ay mas lalo silang nagipit. Pinaniniwalaang ang edukasyon ay ang susi upang makaahon sa kahirapan, ngunit paano? Paano kung sa panahon ng pandemya, eduka...