Malaking hamon sa aming bansa ang Covid–19 pandemic. Hindi lamang sa gobyerno kun’di pati na rin sa mga taong nasasakupan nito. Apektado rin nito ang mga mamamayang nagtatrabaho sa mga establisyimyentong napasara dahilan ng pagkalugi dahil sa pagbaba ng customer.
‘Gaya nila, apektado rin ng pandemya kaming mga estudyante pati na rin ang aming pag-aaral. Natitiyak kong maraming estudyante ang hindi makasabay
sa mga hamon ng online distance learning. Masasabi kong hindi ito matagumpay dahil matututo nga ang mga bata sa kabila ng pandemya ngunit hindi lahat ng bata ay may pribilehiyong makabili ng gadyet, makapagpakabit ng internet, o maski na magpa-load.
Wala pa ang pandemya ay marami nang taong hindi kayang tustusan ang kanilang pang araw-araw na pang-kain, kaya natitiyak kong nang sumabay pa ang hamon ng online class ay mas lalo silang nagipit. Pinaniniwalaang ang edukasyon ay ang susi upang makaahon sa kahirapan, ngunit paano? Paano kung sa panahon ng pandemya, edukasyon ang maging sanhi upang lalo kang malubog sa kahirapan? Ngayong panahon ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho na naging sanhi ng pagiging salat ng karamihan sa pera.
Bilang isang mag-aaral ngayong panahon ng Covid–19 pandemic, ako mismo ay nakaranas ng struggle mula sa online class na ito. Isa sa mga struggle na nararanasan ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya ay ang kakulangan sa gadyet. Hindi lahat ay mayroong laptop o ipad, o kahit na cellphone manlang. Isa rin dito ay ang mahinang internet connection.
Hindi lahat ng lugar ay may magandang reception ng internet, kaya may mga mag-aaral na nahihirapang makasabay dahil sila ay nasa lugar na may hindi magandang teknolohiya.
Ang pagiging mentally stressed ay isa rin sa resulta ng online class. Minsan, sa sobrang dami ng aming workload ay nakakastress na rin talaga ito. Sa kabuoan, ang masasabi ko ay kung para sa Pilipinas, maaaring hindi para sa atin ang online class, dahil alam naman natin na ang Pilipinas ay hindi kasing unlad ng ibang bansa. Hindi ganoon kalaki ang pondo ng ating gobyerno sa ngayon at hindi rin lahat ng mamamayan sa Pilipinas ay kayang mag provide para sa online class. Masasabi kong mas makabubuti kung inihinto na lamang muna ang school year at mas nagpokus ang gobyerno kung paano masosolusyonan ang pandemya. Dahil kahit kailan ay walang maling oras upang mag-aral.
Comments
Post a Comment