Proyektong pakikipanayam sa Komunikasyon.

Gaano nga ba kahirap maging dayuhan? Ano-ano nga ba ang mga kinahaharap ng mga taong dumarayo o lumilipat sa isang lugar na hindi sila pamilyar sa wikang ginagamit dito? Ang lahat ng ito at marami pang iba ay ang tanong ko nang may makapanayam akong naninirahan sa Batangas subalit lumipat dito sa Laguna. Halina at alamin natin ang ang iba pang detalye mula sa panayam. Nakapanayam ko ang aking Ina na isinlang at nanirahan sa Batangas, ngunit lumipat dito sa Laguna nang siya ay mag asawa. Nabanggit niya sa akin na marami siyang naging kompromiso nang lumipat siya dito. Isa na roon ang mapalayo sa pamilya, at maiwan ang lugar na nakasanayan, isa na rin doon ang nakasanayang wika. Dahil alam naman natin na kahit paano ay may kaibahan ang pagsasalita ng mga BatangueƱo kumpara sa mga tao dito sa atin sa Laguna. Ngunit gayunpaman, hindi naging hadlang ang wika sa kaniya dahil dito siya sa St. Joseph School sa Laguna nag aral noong siya ay bata pa kaya hindi naging mahirap sa kaniya ang paglipat dito. Nabanggit niya rin ang mga bagay na kaniyang kinagigiliwan sa lugar na kaniyang pinanggalingan at ayon sa kaniya, isa na rito ang pagkain, ang pinaka lugar dahil ito ang lugar ng kaniyang kapanganakan. Ayon din sa kaniya, ang natatangi lamang namang kinagigiliwan niya rito sa Laguna ay ang kaniyag pamilya dahil ito ang dahilan ng kaniyang paglipat dito. Mula sa panayam ko sa aking Ina ay natutunan kong hindi lamang pala paninibago sa lugar ang pwede mong maranasan kapag ikaw ay lumipat ng tirahan. Marami ka rin palang bagay na makokompromiso kapag napagdesisyunan mong lumipat ng lugar. Kaya para sa akin, ang pagdayo o paglipat ng bansa o bayan ay isang desisyon na dapat pag isipan ng mabuti dahil hindi ito madali, maraming bagay ang maaaring sa una ay maging mahirap para sa atin dahil lang sa simpleng hindi natin pag unawa sa wika ng ating nilipatang lugar. Maaari itong magdulot ng problema sa atin dahil napaka halaga ng wika at mahihirapan tayo sa ating pang araw-araw kung hindi pa natin gamay ang wika ng lugar na ating ginagalawan. Kaya mahalin natin ang sariling wika at kultura ng ating kaniya-kaniyang bayan dahil hindi lahat ay kayang makibagay rito.

Comments

Popular posts from this blog

Varayti ng Wika

Epekto ng Pandemya sa Bansang Pilipinas