Posts

Epekto ng Pandemya sa Bansang Pilipinas

Image
  Malaking hamon sa aming bansa ang Covid–19 pandemic . Hindi lamang sa gobyerno kun’di pati na rin sa mga taong nasasakupan nito. Apektado rin nito ang mga mamamayang nagtatrabaho sa mga establisyimyentong napasara dahilan ng pagkalugi dahil sa pagbaba ng customer . ‘Gaya nila, apektado rin ng pandemya kaming mga estudyante pati na rin ang aming pag-aaral. Natitiyak kong maraming estudyante ang hindi makasabay  sa mga hamon ng online distance learning. Masasabi kong hindi ito matagumpay dahil matututo nga ang mga bata sa kabila ng pandemya ngunit hindi lahat ng bata ay may pribilehiyong makabili ng gadyet, makapagpakabit ng internet , o maski na magpa- load . Wala pa ang pandemya ay marami nang taong hindi kayang tustusan ang kanilang pang araw-araw na pang-kain, kaya natitiyak kong nang sumabay pa ang hamon ng online class ay mas lalo silang nagipit. Pinaniniwalaang ang edukasyon ay ang susi upang makaahon sa kahirapan, ngunit paano? Paano kung sa panahon ng pandemya, eduka...

Varayti ng Wika

Image
ISANG PANAYAM UPANG MALAMAN ANG REHISTRO NG WIKA NG ISANG PROPESYON  Larawan mula sa panayam kay Binibining Lorilyn Reyes ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG AMING MGA GINAMIT NA KATANUNGAN. Ika-1. Ano-ano po ang mga ginawa niyong paghahanda para sa Online Distance Learning? – Ang mga ginawa namin para sa Online Distance Learning ay ang pag-attend sa mga seminars at workshops kung saan inaaral namin kung papaano ang pagtuturo sa Online Distance Learning. Ika-2. Paano niyo po naipapaintindi ang mga aralin sa kabila ng nakakapanibagong set-up?  – Kahit ito ay nakakapanibago para sa akin at sa mga estudyante, naipapaintindi namin ito sa pamamagitan ng pag-aaral namin at paggamit ng iba’t-ibang mga applications at websites para sa maayos na pagtuturo. Halimbawa nito ay ang Google docs, Google forms, Canva, at iba pa na nakatutulong sa amin para mapaganda ang pagtuturo at mas mauunawaan ng mga bata ang aming mga itinuturong aralin.  Ika-3. Sa anong paraan o platform po kayo nakakapag-me...

Proyektong pakikipanayam sa Komunikasyon.

Image
Gaano nga ba kahirap maging dayuhan? Ano-ano nga ba ang mga kinahaharap ng mga taong dumarayo o lumilipat sa isang lugar na hindi sila pamilyar sa wikang ginagamit dito? Ang lahat ng ito at marami pang iba ay ang tanong ko nang may makapanayam akong naninirahan sa Batangas subalit lumipat dito sa Laguna. Halina at alamin natin ang ang iba pang detalye mula sa panayam. Nakapanayam ko ang aking Ina na isinlang at nanirahan sa Batangas, ngunit lumipat dito sa Laguna nang siya ay mag asawa. Nabanggit niya sa akin na marami siyang naging kompromiso nang lumipat siya dito. Isa na roon ang mapalayo sa pamilya, at maiwan ang lugar na nakasanayan, isa na rin doon ang nakasanayang wika. Dahil alam naman natin na kahit paano ay may kaibahan ang pagsasalita ng mga BatangueƱo kumpara sa mga tao dito sa atin sa Laguna. Ngunit gayunpaman, hindi naging hadlang ang wika sa kaniya dahil dito siya sa St. Joseph School sa Laguna nag aral noong siya ay bata pa kaya hindi naging mahirap sa kaniya ang paglip...